Inanunsiyo ng Malacañang ang pagtalaga kay dating Senador Francis Tolentino bilang acting secretary ng Department of Labor and Employment (DOLE), kasunod ng ulat ng Bilyonaryo.

Ayon sa eksklusibong ulat ng Bilyonaryo, ang mga pag-uusap tungkol sa posibleng balasahan sa gabinete ay naganap matapos mag-expire ang election appointment ban.

Pinalitan ni Tolentino si Labor Secretary Bienvenido Laguesma dahil sa kinakaharap na problema sa kundisyong pangkalusugan.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na nakatakdang manumpa si Tolentino kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes ng hapon bilang bagong kalihim ng DOLE.

Sinabi ni Castro na tiwala ang Pangulo na mapangangasiwaan ni Tolentino ang DOLE dahil sa kanyang kakayahan at malawak na karanasan sa paghawak ng mahahalagang tungkulin sa pamahalaan, lokal man o nasyonal.

Sinabi ni Castro na dahil sa kundisyong pangkalusugan ni Laguesma ay kailangan magtalaga ng acting labor secretary.

“Tiwala ang pangulo sa kakayahan ni incoming DOLE Secretary Tolentino dahil sa kanyang kakayahan at malawak na karanasan,” ani Castro.

Hindi rin masabi ni Castro kung bibigyan ng ibang puwesto si Laguesma dahil kailangang malaman kung kakayanin pa ng kanyang kalusugan.

Share.