Nangangamba ang isang progresibong mambabatas na mas marami pang sibilyan ang mapapatay sa mga kanayunan matapos umanong ipilit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na lahat ng 19 indibidwal na napatay sa Toboso, Negros Occidental ay mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
“Pinipilit na NPA ang lahat ng napatay sa Toboso kahit kumokontra ang mga pamilya, human rights advocates, at mga independent na pagsusuri. Nakakagalit ito at nakakatakot dahil pinapalakas nito ang loob ng mga militar na pumatay ng sibilyan at magtakip sa ilalim ng pekeng naratibo,” ani ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio.
Magugunita na 19 ang namatay kabilang na ang isang estudyante ng University of the Philippines (UP) sa military operation laban sa NPA sa Toboso noong Abril 19, 2026.
Gayunpaman, base aniya sa mga forensic expert, human rights advocates, at pamilya ng mga biktima, anim sa mga nasawi ay mga sibilyan subalit ayon umano itong kilalanin ni Teodoro.
Natuklasan umano ito sa National Fact Finding Mission (NFFM) na kinabibilangan na kinabibilangan ni Tiinio noong nakaraang linggo subalit pinanindigan ni Teodoro na lahat ng napatay ay miyembro ng NPA.
“Secretary Teodoro’s insistence that all those killed were NPA—despite credible, contrary accounts from families, human rights groups, and forensic findings—shows a refusal to confront the truth and a willingness to justify any killing as long as the military says so,” ani Tinio kung saan idinagdag nito na, “That is not accountability. That is impunity dressed up as national security.”
Wala aniyang ipinagkaiba sa Oplan Tokhang noong panahon ng war on drugs ng nakaraang administrasyon kung saan sinasabi aniya ng dating aministrasyon na “If someone fights back, they’ll die. If nobody fights back, we’ll make them fight back” para magtanim ng takot sa isip g mga tao, imbes resolbahin ang ugat ng problema tulad ng kawalan ng sariling lupa, kahirapan, pananamantala at iba pa.
Dahil dito, tinawag ni Tinio na “utak pulbura” ang posisyong ito ni Teodoro kaya lalong hindi makakamit ang kapayapaan dahil idinadaan sa pagpatay ng mga sibilyan ang pagresolba sa mga problemang ito.
“Napakahirap kausap ng rabid militarist na utak pulbura. Ayaw lutasin ang ugat ng hidwaan, gusto laging patayan ang sagot, lalo na kapag may kasalungat na ideya,” dagdag pa ng mambabatas.
Trending
- Knicks tinalo ang Cavaliers, pasok sa NBA Finals
- North Korea nagkampeon sa Asian Women’s Champions League
- Pokwang, bet statement shirt ni DJ Chacha: ‘Nasaan na si Zaldy n’yo?
- SexBomb Girls pasok sa Hollywood Walk of Fame?
- Bela Padilla, tinawag na retarded si Baron Geisler?
- ‘National Autism Program Act’ inihain ni Rep. Benitez
- Higit 50K lumang bigas, ipasusubasta ng NFA sa Hunyo
- Recto itinangging may pananagutang kriminal sa PhilHealth funds transfer

