Nagbigay ng pahayag si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kaugnay sa posibilidad na tutluyang maaresto si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ng International Criminal Court (ICC).
Sa kaniyang talumpati sa ginanap na “Rage Coalition” event sa Mindanao noong Sabado, Mayo 23, 2026, nagbiro si Duterte hinggil sa posibilidad na maipadala si Dela Rosa sa ICC, kung saan kasalukuyang nakakulong ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kinakaharap na kasong crimes against humanity.
“Tingnan ninyo anong nangyari sa Senate. Nagputukan. Gusto na naman nila kunin si Bato, ipadala doon sa ICC. Nalungkot ako. At the same time, medyo masaya rin kasi may kasama na ‘yung tatay ko doon, if ever that will happen. It’s a bad joke. It’s a bad joke,” anang alkalde.
Kilala si Dela Rosa bilang isa sa pangunahing nagpapatupad ng kontrobersyal na war on drugs ng administrasyong Duterte noong siya pa ang hepe ng Philippine National Police (PNP).
Bukod dito, binatikos din ni Mayor Duterte ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sinabing hindi niya nais magtrabaho sa ilalim nito.
“Kaya I do not want to work in government for a president na ganito. Because nothing is happening. The people are suffering more and more. And I do not want to be a part of it,” dagdag pa niya.
Inilarawan din ng alkalde ang kasalukuyang sitwasyong pulitikal bilang panahon kung saan umano’y tinatarget ang mga kritiko ng administrasyon.
Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Dela Rosa kaugnay sa naging pahayag ni Mayor Baste, gayundin mula sa Malacañang hinggil sa mga naging batikos ng alkalde laban sa administrasyon.
Trending
- Knicks tinalo ang Cavaliers, pasok sa NBA Finals
- North Korea nagkampeon sa Asian Women’s Champions League
- Pokwang, bet statement shirt ni DJ Chacha: ‘Nasaan na si Zaldy n’yo?
- SexBomb Girls pasok sa Hollywood Walk of Fame?
- Bela Padilla, tinawag na retarded si Baron Geisler?
- ‘National Autism Program Act’ inihain ni Rep. Benitez
- Higit 50K lumang bigas, ipasusubasta ng NFA sa Hunyo
- Recto itinangging may pananagutang kriminal sa PhilHealth funds transfer

