Nagsampa ng reklamong perjury si Manases Carpio laban kay dating Senador Antonio Trillanes IV, sa umano’y maling sinumpaang pahayag sa pagdinig sa Kamara noong nakaraang buwan kaugnay sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
Naghain si Carpio ng reklamo sa Pasig City Prosecutor’s Office.
Itinuturo niya si Trillanes na nagsinungaling umano sa kanyang testimonya sa pagdinig sa Kamara noong Abril 22 nang talakayin ang mga bank account na iniuunay kay Caroio at asawang Bise Presidente.
Dagdag pa rito ang natanggap umanong milyon-milyong pisong halaga ng pamilya Duterte mula sa drug personality.
Kinontra ni Carpio ang mga akusasyon at sinabing ito ay bahagi ng black propaganda.
Itinanggi rin niya ang anumang sizable bank accounts at sinabing hindi siya nakakatanggap ng pera o sangkot sa sinumang drug personalities.
Tumangging magkomento si Trillanes kaugnay sa reklamo ni Carpio.
Inaasahang susuriin ng Pasig Prosecutor’s Office ang reklamo at tutukuyin kung sasampahan ng reklamo si Trillanes sa korte.
Trending
- NBI: Iba pang personalidad posibleng maharap sa ICC arrest warrants
- Gusali sa Pampanga gumuho: 19 nasagip, 20 ‘missing’
- Perjury vs Trillanes isinamapa ni Mans Carpio
- Bato, tag ‘armed and dangerous’ pinalagan
- Gusali sa Pampanga guho : 30 natabunan
- Gusali sa Pampanga guho
- Gusali guho: 30 natabunan
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros

