Ibinasura ng Korte Suprema en banc ang petisyon ng kampo ni Senator Bato Dela Rosa na humihiling ng Temporary Restraining Order (TRO) at/o Status Quo Ante Order (SQAO) .
Sa manifestations ng senador humingi siya ng TRO at/o SQAO upang pigilan ang Department of Interior and Local Government, Department of Foreign Affairs, Department of Justice, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, Armed Forces of the Philippines, at Criminal Investigation and Detection Group na hulihin siya batay sa anumang warrant mula sa International Criminal Court, red notice at diffusion mula sa International Criminal Police Organization, o anumang foreign judicial o quasi-judicial instrument nang walang Philippine judicial warrant.
Pinagpasyahan lamang ng Kataas-taasang Hukuman ang mga kahilingan sa boto na 9-5-1 para sa interim relief. Ang mga pangunahing isyu na inihain ng mga partido sa kanilang mga pleadings at motions ay hindi pa nareresolba sa pangunahing kaso.
“The SC only decided on the prayers for interim relief. The main issues raised by the parties in their pleadings and motions are yet to be resolved in the main case”. bahagi ng press briefer ng SC.
Ang buong Resolusyon at mga hiwalay na Concurring at Dissenting Opinions ng mga miyembro ng Korte ay ia-upload sa website ng SC sa Lunes, Mayo 25, 2026.
Trending
- Lito Adiwang, pinatumba si Eko Roni Saputra sa loob ng 34 seconds
- Lastimosa nakabawi mula sa magastos na error sa huling bahagi ng laro vs Meralco
- Serye ni Bea, nag-stop taping
- Anak nina Ellen at Derek, pinapak ng insekto
- Juliana Parizcva, naloko ng P87K sa pekeng trabaho abroad
- Tindera patay, 1 pa sugatan sa araro ng pickup truck
- P3.5m ismagel yosi nasabat sa Batangas
- P14m shabu nasabat inabandonang parcel sa Pasay

