Ai Ai delas Alas hindi pantay ang paa

Ibinahagi ng komedyanteng si Ai Ai delas Alas ang resulta ng kanyang konsultasyon sa doktor matapos makaranas ng patuloy na pananakit ng katawan habang nag-eensayo para sa Hyrox fitness challenge.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Ai Ai na pinatingnan niya ang kanyang plantar fasciitis at iba pang iniindang pananakit sa kaliwang tuhod, at doon umano nadiskubre ang posibleng dahilan ng kanyang kondisyon.
“Bakit puro left? Eto explanation… kasi bukod sa baliko spinal ko (which is eto, alam ko na kasi pag-X-ray ko, nilalagay nila) ang nagulat ako kasi… hindi pantay ang paa ko,” ayon sa komedyante.
Paliwanag ni Ai Ai, “Kulang ng cm ang left leg ko kaya pala lahat ng masakit sakin, puro left.”
Isasailalim naman umano siya sa isang linggong therapy para bumuti ang kanyang kalagayan at maipagpapatuloy na ang kanyang endurance training.
“1 week therapy lang, mag-align na yun sila lahat. Galing, hi tech… Yahooo, so Hyrox game na ulit after my therapy. Patagalan tayo ng endurance ngayon,” sey pa ni Ai Ai.

Share.