Muling isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) NCR ang deploying operations sa kahabaan ng Taft Avenue sa Maynila.
Ito ay matapos ang nararanasan pag-ulan upang masiguro na walang magbaha dahil sa mga pagbara sa mga daluyan ng tubig.
Matatandaan na una ng ipinagmalaki mg DPWH na naging epektibo ang ilan nilang proyekto kontra baha makaraam ang ulan nitong weekend.
Partikular sa kahabaan ng Taft Avenue at sa bahagi ng G. Araneta Avenue sa Quezon City na una ng nagsagawa ng drainage improvements sa naturang lugar.
Kaugnay nito, muling tinitiyak ng DPWH na sisigiraduhin nilang matatapos ang mga nakalinya nilamg proyekto kontra baha para sa kapakanan ng publiko.
Nauna na ring ipinag-utos ng Pangulong Bongbong Marcos Jr na madali in ang drainage improvements sa mga lugar na binabaha bilang bahagi ng Oplan Kontra Baha upang maibsan ang hirap ng publiko lalo na ngayong paparating na ang tag-ulan.
Trending
- Pulis-Maynila isa-summary dismissal, nananakot
- GM Antonio: Ika-5 sa Banja Open; hari sa 50+ division
- Ika-20 Kamatyas Chess Festival sa Nobyembre 21
- Gadgets sa barangay hall tinangay, 4 kawatan tiklo
- Paslit minolestiya, tambay dinampot
- May-ari ng pet crematorium sumuko sa NBI
- Bangkay sa CR , suspek tiklo
- ER sa Ospital ng Maynila napuno

