Namumuro sa kasong obstruction of justice at pagtatago ng pugante si Senador Robin Padilla dahil sa umano’y pagtulong nito kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na makatakas upang maiwasang maaresto.
Ito ang sinabi ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima sa ambush interview matapos dumalo sa preliminary investigation sa kasong isinampa ng mister ni Atty. Manases Carpio sa Quezon City Prosecutor’s Office.
“Obstruction of justice, harboring a criminal fugitive, aiding and abetting a criminal fugitive. Obstruction of justice ‘yan, malinaw po sa akin ‘yan,” ani De Lima nang matanong kung anong posibleng kaso na isasampa kay Padilla.
Ginaw ang mambabatas ang pahayag matapos pangalanan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag si Padilla bilang person of interest sa pagtakas kay Dela Rosa matapos aminin ni Senate-Sgt-at arms chief ret. Police Major General Mao Oplasca na magkasama ang dalawa nang umalis sa Senado.
Maging si Senate President Alan Peter Cayetano ay kinumpirma sa media na magkasamang umalis sina Padilla at Dela Rosa sa Senado matapos ang putukan sa kapulungan noong Miyerkols ng gabi.
Inayunan naman ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno si De Lima na puwedeng kasuhan ng mga nabanggit na kaso si Padilla lalo na’t marami ang magpapatunay na siya ang kasama ni Dela Rosa nang maglaho ang huli sa gusali ng Senado.
Ipinaliwanag ng mambabatas na alam ni Padilla na may arrest warrant si Dela Rosa sa International Criminal Court (ICC) subalit mistulang itinakas nito ang huli para maiwasang maaresto kaya lumalabas na isa itong public offens kung saan puwedeng magsampa ang sinumang Pilipino ng kaso laban sa senador.
“Just like any other criminal complaint usually, ang nagsasampa niyan ay ang pulis kapag nag-imbestiga sila. Pero dahil ito ay public offense ang tingin ko,any citizen can also file,” pahayag ni Diokno.
Trending
- Kauna-unahang ‘openly gay’ player ng NBA na si Jason Collins pumanaw @ 47
- Pinuri ni Hidilyn Diaz si Delos Santos para sa record-breaking na ginto
- Sexy OOTD ni Barbie, pinalagan ng fans
- Sexy viral pic ni Joshua, gawa ng Al
- Ysabel Ortega, ‘chaka’ ‘pag bagong gising?
- Fuel surcharge ibababa ng CAB mula May 16-31
- PSA naglunsad ng digital system sa correction ng civil records
- Visa-free stay ng turista sa Thailand babawasan

