Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga buhay na hayop at produktong galing sa hayop mula sa Greece.
Ito ay matapos umanong makumpirma ang mga kaso ng foot-and-mouth disease sa mga alagang tupa sa Lesvos noong nakaraang buwan.
Sa ilalim ng Department Circular 20, sinuspinde rin ng DA ang pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa mga apektadong produkto at ipinag-utos ang mahigpit na inspeksyon sa lahat ng pantalan sa bansa.
Kabilang sa ipinagbabawal ang mga produktong gaya ng skeletal muscle meat, live swine, bovines, at untreated milk. Ilang processed goods na itinuturing na “safe commodities” sa ilalim ng international standards ay pinapayagan pa ring makapasok, ngunit sa ilalim ng mahigpit na kondisyon.
Papayagan naman ang mga shipment na naipadala bago pa maging epektibo ang circular, basta’t ang mga ito ay ginawa o kinatay bago ang Pebrero 28 at sumusunod sa mga itinakdang alituntunin.
Kukumpiskahin o isasailalim naman sa kaukulang regulasyon ang mga hindi susunod dito.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin ng hakbang na maprotektahan ang mga alagang hayop, masiguro ang seguridad sa pagkain, at mapanatili ang katatagan ng sektor ng agrikultura.
Trending
- Mike Phillips, pumirma na sa Kyoto Hannaryz
- Pacquiao-Mayweather rematch record-breaking event pa rin
- Awra, nirampa na ang operaadang ilong
- Rhian, flinex ang tattoo sa puwet
- Richard at Barbie, aayuda sa Bicol
- Lacson umaray sa banat na nadobleng yaman
- ‘Forgiveness clause’ sa rape cases sa Penal Code, ipinatatanggal
- Beripikasyon ng DPWH sa Taguig, kinuwestiyon

