Arestado ang isang lolo matapos madiskubreng ilang ulit nitong pinanonood at hinihipuan sa maselang parte ng katawan ang 9-anyos na babaeng anak ng kanyang kapitbahay sa Mandaluyong City, noong Miyerkoles ng hapon.
Ang suspek na si alyas “Ladoy”, 61, residente ng Mandaluyong City, ay dinampot ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Mandaluyong City Police Station, 6:30 ng gabi sa kanyang tirahan sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 27 Court ng Mandaluyong City.
Ang suspek ang Top 6 Station Level at Top 8 District Level Most Wanted Person sa serbisyo ng warrant para sa paglabag sa Section 5 (B) ng Republic Act 7610 (Lascivious Conduct) noong Marso 25.
Batay sa ulat, nadiskubre umano ng mga magulang na laging pinanonood ng suspek ang anak nila habang naliligo nang hubo’t hubad at hinahawakan pa ang maseselang parte ng katawan ng bata.
Nasa kustodiya na ngayon ng Mandaluyong Police Custodial Facility ang akusado habang naghihintay ng karagdagang paglilitis sa korte.
Trending
- US VERSUS IRAN : GROUND INVASION NAMUMURO
- Iwa, binalahura si Pampi
- Sam, nagsalita sa hiwalayan third party
- Megan, nagpaka-fan sa BTS sa Korea
- Peso bagsak sa bagong record low : P60.55 kontra dolyar
- 9-anyos minolestiya ng 61-anyos na kapitbahay
- Pulis at Air Force reservist ‘badigard’ ng puganteng Tsino nasa ‘hot water’
- Robbery group sa So.Metro Mla., timbog sa Taguig

