Pinalaya ng Myanmar ang 78 Pilipinong nadetine dahil sa immigration violations matapos umano silang mabiktima ng human trafficking at pagtrabahuhin sa mga scam hub sa naturang bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado.
“The Department expresses its appreciation to Myanmar authorities for this compassionate and humanitarian gesture, made during the Myanmar New Year (Thingyan), which reflects the goodwill between Myanmar and the Philippines,” pahayag ng DFA.
Ayon sa DFA, nagsisilbi ng sentensya ang mga Pilipino para sa illegal entry at residency.
Inaayos na ng Philippine Embassy sa Yangon ang mabilis, ligtas, at maayos na repatriation ng mga biktima pabalik ng Pilipinas, sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Myanmar.
“The Department reaffirms its foreign policy pillar of protecting Filipino nationals overseas, in collaboration with the Department of Migrant Workers, and will continue to work with relevant law enforcement agencies toward the prosecution of illegal recruiters of Filipinos trafficked for illegal jobs abroad,” dagdag pa ng ahensya.
Trending
- Porzingis, ‘di makakapaglaro sa susunod na Play-In game ng Warrios
- NLEX, nabulsa ang panalo kontra Meralco
- BINI parangalan ng Kamara sa trending performances sa Coachella 2026
- Angel, iwas magpa-picture
- Donny at Maymay, nag-unfollow sa IG; nadamay si Belle
- Multicab grinanada: driver patay
- Mekaniko nagrambo bulagta sa engkuentro; paslit nadamay
- Iligal na gawaan ng paputok, sumabog sa Bocaue
