Apat na Pilipinong siyentipiko at dalawang iba pang Filipino innovator ang kabilang sa Asia Scientist Magazine’s Top 100 Researchers for 2026.
Ang Asia Scientist 100 list, na nasa ikawalong edisyon na, ay inilunsad noong 2016 upang kilalanin ang 100 natatanging siyentipiko, akademiko, innovator, at business leaders sa Asia-Pacific region. Ang mga napipili ay dapat nakatanggap ng national o international award sa nakaraang taon o nakagawa ng mahalagang ambag sa agham, akademya, o industriya.
Kabilang sa mga pinarangalan ang mga Pilipino na sina Romulo Davide at Marcela Navasero ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), Mary Donnabelle Balela at Aurelio De Los Reyes V ng UP Diliman, Garry Benico ng Central Luzon State University, at May Anne Mata ng UP Mindanao.
Si Davide, na tinanghal na 44th National Scientist ng Pilipinas noong 2024, ay kilala sa kanyang pag-aaral sa plant pathology at nematology at sa pagbuo ng Farmer-Scientist Training Program na nakatulong sa humigit-kumulang 70,000 magsasaka.
Si Navasero ay kinilala para sa pamumuno sa natural pest control at agricultural biosecurity at sa pagpapalakas ng sustainable pest management systems para sa food security.
Si Balela naman ay pinarangalan para sa pagbuo ng Kapok booms na ginagamit sa paglilinis ng oil spill gamit ang biodegradable at lokal na materyales.
Si De Los Reyes V ay kinilala sa kanyang mathematical modeling para sa optimal contraception dosing strategies at sa kanyang ambag sa reproductive health research.
Si Benico ay kinilala sa pag-aaral sa harmful microalgae at red tide monitoring, habang si Mata ay pinarangalan sa kanyang research sa infectious disease modeling, mathematical biology, at operations research.
Kasama rin sa listahan ang ilang Nobel Prize laureates, kabilang sina Susumu Kitagawa ng Kyoto University at Shimon Sakaguchi ng University of Osaka.

Share.