Nasawi ang apat na miyembro ng Kidnap for Ransom Group (KFRG) kabilang ang dalawang dating pulis at ligtas na nasagip ang isang Naturalized Filipino Businessman nang maka-engkwentro ng mga elemento ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa isinagawang operation sa Parañaque City, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Argel Velenzuela Nabor, dating PNP member, 39-anyos, na mayroon warrant of arrest sa kasong Malversation of Public Fund/Property; dating CPl Robert Allan Raz, sinibak sa serbisyo dahil sa kasong AWOL; Rhian De Guzman ng San Dionisio, Parañaque City; at Robin Reyes, 24-anyos, ng St Michael Moonwalk, Parañaque City.
Samantala, ligtas na nasagip ang biktima na isang 78-anyos, Naturalized Filipino Businessman ng Makati.
Ayon kay BGen Glicerio C. Cansilao, Director PNP-AKG, 7:52 ng gabi nang maganap ang engkwentro sa pagitan ng mga otoridad at mga suspek sa Diosdado Macapagal Blvd., Parañaque City.
Sinabi ni Cansilao na humingi ng tulong ang manugan na babae sa mga otoridad nang kidnapping ng mga ‘di nakikilang mga suspek ang biyenan sa Parañaque City noong April 14,2026.
Nabatid na 5:30 ng hapon nang harangin ng mga ‘di nakikilang suspek ang sinasakyan ng biktima na papauwi na ng bahay galing sa opisina at sapilitan tinanagay sa Parañaque City noong April 14,2026.
Sa report, 7:36 ng gabi nakatanggap ng tawad mula sa suspek ang pamilya ng biktima at ipinabatid na hawak ito at humihingi ng ransom na P50 million kapalit ng pagpapalaya.
Sa pakikipagtulungan ng pamilya ng biktima sa mga otoridad nagawang maibaba ang ransom sa halagang P10 million at itinakda ang lugar nang pagdadalhan ng pera.
Isinaad ni Cansilao na matapos na maibigay ang nasabing halaga ng ransom sa mga suspek, agad na nagsagawa ng operation ang mga operatiba na nauwi sa palitan ng putok na nagresulta kung saan sugatan ang apat na mga suspek habang ligtas naman nasagip ang biktima.
Dinalal ng mga operatiba ang mga sugatan suspek sa ospital nguni’t binaiwan ng buhay habang nilalapatan ng lunas ang mga ito sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan.
Narekober naman ng mga otoridad ang ransom money sa isang Mitsubishi Expander, Toyota Fortuner Metallic Silver, Digital and communication evidence, mga Identification Card, PNP Uniform na may pangalang Fabros, ilang mga plate number at conduction sticker, granada, iba’t-ibang uri ng mga baril.
Aniya, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga posibleng pagkakakilala ng iba pang mga kasamahan ng apat na nasawing suspek.
Trending
- 10 miembro ng Dawlah Islamiya patay sa Lanao del Sur ops
- Teves, 2 pa pinayagang magpiyansa
- Zaldy Co balik ‘Pinas 1-3 linggo – DILG chief
- MAYWEATHER-PACQUIAOREMATCH: A 12-ROUND,$400-M PROFESSIONAL BOUT
- Eala sibak kay Fil-Can Fernandez sa Stuttgart
- Doncic, Reaves malabong maglaro sa playoffs kontra Rockets
- KC Concepcion inaming ‘in between’ sa pamilya nina Sharon at Gabby
- Kim Chiu, Sofia Andres nagsabunutan

