Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na wala sa 38 Pilipinong crew ng cruise ship na MV Hondius, na kasalukuyang nasa quarantine sa Netherlands, ang nagpositibo sa hantavirus.
Ayon sa DMW, ang crew member na nagpositibo sa virus ay hindi Pilipino. “The crew member who tested positive for hantavirus is not a Filipino. All 38 Filipino crew members in quarantine in the Netherlands are thus far in good condition.”
Sinabi naman ng Dutch National Institute for Public Health and the Environment na ang pasyente ay “has since been admitted to the hospital as a precaution and is in isolation”.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang naturang crew member ay “disembarked in Tenerife” at “was repatriated to the Netherlands and has been isolating since then.” Dagdag pa ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, “the situation is stabilizing.”
May kabuuang 38 Pilipinong crew ang naka-quarantine, kung saan 21 sa kanila ay dumating sa Rotterdam noong May 18. Patuloy ang koordinasyon ng Philippine Embassy sa The Hague at mga awtoridad sa Netherlands para sa kanilang maayos na kalagayan at posibleng repatriation sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH), nakikipag-ugnayan na rin sila sa Netherlands upang matiyak ang tamang pangangalaga sa mga Pilipinong crew.
Trending
- Perjury vs Trillanes isinamapa ni Mans Carpio
- Bato, tag ‘armed and dangerous’ pinalagan
- Gusali sa Pampanga guho : 30 natabunan
- Gusali sa Pampanga guho
- Gusali guho: 30 natabunan
- Eala at Tjen nagdala ng ‘pagmamalaki’ sa Timog-Silangang Asya sa Roland Garros
- Alyssa Valdez: ‘Hindi ako magsasawa na irepresenta ang bansa’
- Kylie Padilla nabawasan na ang angas, tapang dahil sa 2 anak

