Nakatanggap ng P4.1 milyong halaga ng reward money mula sa Philippine National Police (PNP) ang 21 informant.
Ayon sa PNP, ang mga ibinigay na mahahalagang impormasyon ng mga naturang indibidwal ay nagresulta sa pagkakaaresto ng mga wanted person sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Pinakamalaking halaga na naibigay ang P1 milyon para sa isang impormante na tumulong sa pag-aresto sa isang akusado na sangkot sa umano’y terrorism financing.
Pinakamababa naman ang halagang P130,000 na reward money para sa iba pang impormante.
“Sa simpleng pagbabahagi ng impormasyon, nakatulong kayo sa pag-iwas sa kapahamakan at pagprotekta ng buhay,” pahayag naman ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Trending
- Banat ng mga kritiko, sinagot ni Knicks star Brunson
- Pag-congratulate ni Bianca kay SP Gatchalian, binarag
- Ogie, atat nang magka-apo kay Leila
- Nadia, HS grad @ 54
- Mga aral mula sa amang si Marcos Sr. inalala ni PBBM
- PPCRV kailangan ng 30K volunteers sa Bangsamoro polls
- Strait of Hormuz sarado ulit – Iran
- Pagbagsak ng presyo ng langis, sa US-Iran Agreement
