Aabot na sa 2,000 buto ang nakolekta ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group mula sa Taal Lake kaugnay ng patuloy na imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero.
Ayon kay PNP Forensic Group Director Col. Pierre Paul Carpio, sumasailalim ngayon sa DNA cross-matching ang mga nakuhang buto upang matukoy kung may tugma ito sa DNA ng mga nawawalang indibidwal.
“Continuous ang ating examination sa mga ito, and then, we will have a comprehensive results, reports with regards to matching ng mga DNA natin,” ani Carpio.
Gayunman, tumanggi si Carpio na kumpirmahin kung mayroon nang natukoy na pagkakakilanlan dahil sa hirap ng proseso ng pagsusuri sa DNA mula sa mga buto.
“Unang una, buto ito — ito ang pinaka-mahirap na parte ng katawan na kinukuhaan ng DNA at maproseso,” dagdag niya.
Nauna nang ibinunyag ni whistleblower Julie Patidongan, dating aide umano ng gambling operator na si Atong Ang, na dinukot at pinatay umano ang mga biktima sa isang slaughterhouse malapit sa fishpond sa Laurel, Batangas.
Ayon kay Patidongan, itinapon umano sa Taal Lake ang mga labi ng mga biktima na hinihinalang sangkot sa game-fixing sa online sabong.
Hindi bababa sa 34 katao na konektado sa online cockfighting ang naiulat na nawawala sa magkakahiwalay na insidente mula 2021 hanggang 2022.
Trending
- Pulis-Maynila isa-summary dismissal, nananakot
- GM Antonio: Ika-5 sa Banja Open; hari sa 50+ division
- Ika-20 Kamatyas Chess Festival sa Nobyembre 21
- Gadgets sa barangay hall tinangay, 4 kawatan tiklo
- Paslit minolestiya, tambay dinampot
- May-ari ng pet crematorium sumuko sa NBI
- Bangkay sa CR , suspek tiklo
- ER sa Ospital ng Maynila napuno

