Hindi lamang sa pamasahe kundi maging sa mobile load at internet services ay magkakaroon ng discount ang mga estudyante kapag naipasa ang isang panukalang batas na inakda ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima.
Base sa House Bill (HB) 9859 o “Student Discount Para Sa Load Act” magkakaroon ng 20% discount sa mobile load, text, call at internet services lahat ng estudyante mula elementarya, sekondarya at kolehiyo at mga nag-aaral sa mga technical-vocational school.
“In the Philippines, the deepening digital divide exacerbates deep-rooted injustices in the education sector that leave students from underprivileged families and communities behind as they struggle to keep up with various learning expenses not covered by existing public education, scholarship, and learning subsidy programs,” ani De Lima sa kanyang panukala.
Ang panukalang ito kahalintulad ng Senate Bill (SB) 126 na inakda ni Senator Bam Aquino na naglalayong mabawasan ang gastos ng mga estudyante dahil kasama na ang mobile phone at internet sa ginagastusan ng mga ito.
“Among these learning expenses is the access to mobile and internet services that allow students to make use of online tools, resources, and platforms to enhance their learning experience and school performance,” ayon pa sa mambabatas.
Kapag naging batas ang nasabing panukala, ipapatupad ito ng National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) at aatasan ang mga Telecommunication companies na magbigay ng discount kapag estudyante ang nagpapa-load.
Ipinaliwanag ng mambabatas na bagama’t face-to-face na ang pag-aaral ng mga bata, kailangan pa rin ng mga ito ang mobile phone at internet kaya nadadagdagan ang gastos ng mga ito kasama lalo na ang kanilang mga magulang.
“In today’s digital age, equal access to quality education is inextricably linked to digital connectivity or access to internet services. As the role of digital tools continues to expand, unequal access to technology serves as a barrier to quality education,” ani De Lima.
“Buo ang suporta natin kay Sen. Bam Aquino sa pagsasabatas ng panukalang ito na siguradong malaki ang maitutulong sa ating mga estudyante. Bawat piso na matitipid nila sa gastusing ito sa pag-aaral ay bawas alalahanin at pasanin sa kanila at ng kanilang pamilya. Let us provide Filipino students, our future leaders, with all the help they rightfully deserve,” dagdag pa ng mambabatas.
Trending
- BERLIN OPEN: EALA PASOK SA QUARTERFINALS
- Italya nangunguna sa VNL sa Pinas
- Kathryn, may reax sa nangyayari sa pulitika
- Emma Tiglao, to-the-rescue sa lindol victims
- Kris, hirap bumangon sa kama, lumalaban
- June 24 special non-working day sa Maynila
- PBBM: laban sa korapsyon, pangunahing prayoridad
- P15,000 taunang subsidy para sa STEM freshmen, inilunsad ng GSIS
