Arestado sa isinagawang hot pursuit operation ng Plaridel Pulis ang dalawang lalaki na kabilang sa notoryus na ‘Basag Kotse Gang’ sa Brgy. Sta Rita Guiguinto, Bulacan.
Sa report ni  Lt.Col. Restituto Granil kay PNP Provincial Director The Hunter Col. Angel Garcillamo, kinilala ang mga suspek na sina alyas Josh, 18; at alyas Buknoy, 23-anyos, at residente ng Brgy. 235 Tayuman, Tondo at Brgy. 314 Sta Cruz, Manila.
Nabatid na nagkaroon ng ilang minutong habulan, matapos basagin at pagnakawan ng mga suspek ang isang MUX na sasakyan sa kahabaan ng Cagayan Valley Road Brgy, Tabang Plaridel ganap na alas-6;30 ng hapon Marso 19 2026.
Nabawi sa mga suspek ang personal na gamit, ng biktima na isang Doktora,
Habang nakumpiska sa dalawa ang isang caliber 38 na baril na may 3 live Ammunition, at isang replica ng baril at ang motorsiklo na ginamit.
Samantala, kasong Theft at paglabag sa RA 10591 (Illegal possession of firearms and Ammunation) ang isasampa laban sa mga suspek na kasalukyang nakakulong ngayon sa Plaridel Munisipal Jail.

Share.