Sugatan ang tatlong katao nang magbarilan ang dalawang security aide ng isang alkalde na kapwa miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Brgy. Buton, Hadji Mohammad Ajul, Basilan noong Miyerkules.
Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina Majid Dalagan Mohammad, 33-anyos, isang MILF member, security aide ni Hadji Mohammad Ajul Vice Mayor Tirmiji Bashir Yusuf; 19-anyos na estudyanteng si Nuraima Hairal Lamla; at municipal employee na si Jimmy Sali, 51-anyos.
Sa ulat ng Basilan Provincial Police Office, naganap ang insidente sa liblib na lugar sa Brgy. Buton ng nasabing bayan nitong Abril 15.
Base sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawang security aide ni Hadji Mohammad Ajul Mayor Talib Pawaki na pawang miyembro ng MILF. Dito’y bigla na lamang umanong kapwa bumunot ng baril ang dalawang security escorts at nagduwelo na ikinasugat ng tatlo katao.
Nagresponde sa lugar ang mga pulis at narekober ang mga basyo ng bala ng cal. 5.56 rifle habang isinugod sa pagamutan sa Zamboanga City ang mga nasugatang biktima.
Tinutugis na ng mga awtoridad ang dalawang tumakas at lumilitaw sa paunang imbestigasyon na matinding selos ang motibo ng duelo ng dalawang security aide ng alkalde ng nasabing bayan.
Nakikipagkoordinasyon na ang pulisya sa e Ad-Hoc Joint Action Group (AHJAG) Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) para sa mabilisang ikaaaresto ng mga suspect.
Trending
- Alas winalis ng South Korea sa AVC Cup
- ‘Military-like’ training ni Baldwin muling lumutang sa pagkalunod nina Baterbonia, Adili
- Carla, ‘happy’ sa honeymoon
- BINI Aiah, nagpaliwanag sa pic nila ni Kyle sa Cebu
- Bela, lalayas na sa serye?
- Jodi, kukuning bridesmaid ng ex-husband
- Rafael Dumlao III lipat New Bilibid Prison
- Police corporal inireklamo sa P50K kotong kapalit ng PNP slot

