Tinatayang aabot sa higit P150 milyong pisong halaga ng smuggled na imported na sigarilyo na lulan ng dalawang 40ft na container van na nasabat sa isang bakanteng lote na Industrial Compound sa DRT High way Brgy. Tarcan Baliwag City madaling araw ng Abril 14, 2026.
Sa report ni DRDO the Hunter PCol. Angel Garcillano kay PRO3 Regional Dir.Bgen. Jess Mendez , nasa 19 katao ang inaresto ng mga awtoridad kung saan 9 ang nakatakas, habang ibinababa ang mga smuggled na sigarilyo na nagmula sa Vietnam at ibang bansa.
Sa inisyal na impormasyon ni OIC PNP Provincial Dir.PCol, Jay Baybayan, 4:00 ng madaling-araw nitong Martes ng salakayin ng mga operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Unit, Regional Special Operations Group at Criminal Investigation and Detection Group ang open Parking area
Laman ng dalawang 40ft. container van ang 2,000 kahon ng imported na RGD at MODERN na sigarilyo.
Nabatid na walang documentary stamp mula sa BIR ang naturang kontrabando na inililipat sa tatlong 6 Wheeler Close Van at isang Ten Wheeler Truck.
Bigo namang madakip ang Chinese National na nasa likod ng mga smuggled na sigarilyo,gayunman patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Ayon naman kay alyas Guding, niyaya lang siya ng kanyang kaibigan, na magbaba daw sila ng” Pampers “at babayaran ng P600 pesos, aniya first time daw niya na mapasama sa trabahong ito.
Samantala, kasong paglabag sa RA 8424 (Tax Reform Act of 1997) at RA 10643 (Graphic Health Warning Law) ang isasampa laban sa mga nadakip na suspek na kasalukuyang nakakulong ngayon sa Baliwag Municipal Jail.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel
