Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa pagkalat ng red-striped soft-scale insects (RSSI) sa Negros Occidental, na maaaring magpababa ng asukal sa tubo ng halos 50%.
Apektado na ang mahigit 186 ektarya ng taniman at 115 na magsasaka.
Tinutulungan ng Department of Agriculture (DA) ang SRA sa pamamahagi ng pesticide, paghihigpit sa transportasyon, at pagdi-disinfect ng mga pananim.
Naghahanda rin ang SRA na maglabas ng emergency use permit para sa insecticide laban sa RSSI.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel

