Umaabot na sa 14 ang nasawi at 37 ang sugatan sa panibagong airstrikes ng Israel sa Lebanon, ayon sa health ministry.
Kabilang sa mga biktima ang dalawang bata at dalawang babae, habang isang sundalong Israeli ang naiulat ding nasawi.
Nagbabala ang Israeli military sa mga residente na lumikas mula sa ilang bayan at iginiit na target ng operasyon ang mga mandirigma at armas ng Hezbollah dahil umano sa paglabag nito sa ceasefire.
Tumugon naman ang Hezbollah na magpapatuloy ang kanilang pag-atake hangga’t nagpapatuloy ang operasyon ng Israel sa kanilang teritoryo.
Sa kabila ng ceasefire na pinangunahan ng United States, nananatiling marupok ang sitwasyon habang nagpapatuloy ang palitan ng opensiba ng dalawang panig.
Ayon sa ulat, umabot na sa higit 2,500 ang nasawi mula nang muling sumiklab ang labanan noong Marso, kabilang ang mga sibilyan, kababaihan, at kabataan.
Trending
- US : firing squad, electrocution at gas sa federal executions
- Mister ni VP Sara, magsasampa ng kaso
- 14 nasawi sa Israeli strikes sa Lebanon
- 539 kaanak, naghain bilang ‘participating victims’ sa ICC case vs Duterte
- HDO GRAND SLAM : ROMUALDEZ, ESCUDERO, NGU BAWAL SA ABROAD
- BAGETS BASTED, NAG-SUICIDE
- CYBERCRIME:15 ARESTADO
- POLITIKA DI MASIKMURA, BINOE LALAYAS SA PINAS

