Pormal nang ihinain nina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos ang panukalang batas na poprotekta umano sa kabataang Pilipino sa banta ng social media.
Sa House Bill No. 9965 o Children’s Social Media Safety Act, nais nina Dy at Marcos na magkaroon komprehensibong regulasyon sa pag-access at paggamit sa social media ng mga kabataan.
“Nakikita natin na malaking bahagi ang social media sa araw-araw na buhay kaya mas malaki rin ang ating responsibilidad na tiyaking ligtas ang ating mga anak habang gumagamit nito. If we will allow Filipino children to explore the online world, they should be given sufficient protections,” ayon kay Dy.
Sinabi ng lider ng Kamara na hindi maitatanggi na malaki ang tulong ng digital platform sa pag-aaral ng mga kabataan subalit ito rin aniya kaya nalalantad ang mga ito sa “cyberbullying, harmful content, online exploitation, addiction, anxiety, sleep disruption” na dapat aksyunan na aniya.
“Kung may batas tayong nagpoprotekta sa mga bata sa paaralan, sa lansangan, at sa ating mga komunidad, dapat mayroon din tayong malinaw na proteksiyon habang sila ay gumagamit ng social media,” paliwanag ni Dy.
“Responsibilidad nating siguraduhin na ang teknolohiya ay para sa kabutihan ng bata, hindi nagiging sanhi ng panganib sa kanilang paglaki,” dagdag pa nito kaya ihinain nito ang nasabing panukala.
Base sa nasabing pamukala, ipagbabawal sa mga kabataan na hindi pa umaabot sa 13 anyos ang edad na magkaroon, magmentena at gumamit ng social media accounts kaya aatasan ang mga social media platform na higpitan ang sistema sa kanilang age verifications.
Maaari nang magkaroon ng access ang mga kabataan na 13 anyos hanggang bago mag-18 anyos subalit kailangang munang aprubahan ng kanilang magulang o guardians bago magkaroon ng accounts sa anumang platforms.
Bukod dito, aatasan din ang mga social media companies na bigyan ng gamit ang mga magulang at mga guardians ng mga kabataan para mamonitor ng mga ito ang mga aktibidad ng mga kabataan online world.
“Hindi natin ipinagkakait sa kabataan ang teknolohiya. Malaki ang naitutulong nito sa pag-aaral, komunikasyon, at pagkatuto. Ang layunin natin ay tiyaking naaayon ang paggamit nito sa kanilang edad at magkaroon sila ng sapat na gabay ng magulang. Habang lumalawak ang digital world, kailangan ding patibayin ang proteksiyon para sa ating mga anak,” ayon pa kay Dy.
Trending
- LPA namumurong maging bagyong ‘Henry’; malaking bahagi ng Luzon, uulanin
- 13-anyos pababa pagbabawalan sa social media
- Kahit may ‘word war’, Pinas at Tsina, friends pa rin
- P85 dagdag-sahod sa Metro Manila
- Kisame ng Candaba Trade Center sa Pampanga, gumuho
- Hukay sa kalsada gumuho: 2 patay, 1 sugatan
- Nagpapakabit ng solar power, dumadami dahil sa mataas na singil ng kuryente
- LPA sa PAR, posibleng maging Tropical Depression

