Isinusulong sa Kamara ang pagdoble sa Service Incentive Leave (SIL) ng mga manggagawang Pilipino mula sa kasalukuyang limang araw tungo sa 10 araw kada taon.
Nakapaloob ito sa House Bill (HB) 10753 na inakda ni 4Ps party-list Rep. JC Abalos, na naglalayong dagdagan ang panahon ng pahinga ng mga empleyadong kwalipikado sa SIL.
“Our Constitution recognizes labor as a primary socio-economic force and mandates the State to protect the rights and promote the welfare of Filipino workers. Under the Labor Code, employees who have rendered at least one (1) year of service are currently entitled to five (5) days of Service Incentive Leave with pay.,” ani Abalos.
Ayon kay Abalos, limang dekada na umanong hindi nagbabago ang limang araw na SIL kaya panahon na para itong dagdagan upang mabigyan ang mga manggagawa ng mas mahabang panahon para makapagpahinga at makasama ang kanilang pamilya.
“Ang mga manggagawa ay hindi lamang bahagi ng ating workforce. Tao sila na nangangailangan din ng sapat na panahon para makapagpahinga, magpagaling kapag may sakit, asikasuhin ang kanilang personal na pangangailangan, at gampanan ang kanilang responsibilidad sa pamilya. Mahigit 50 taon nang limang araw ang minimum Service Incentive Leave. Panahon na para dagdagan ito,” ani Abalos.
Sinabi rin ng mambabatas na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamababang statutory minimum leave sa Southeast Asia kaya nais niyang itaas ang bilang ng SIL.
“Medyo napapag-iwanan na rin tayo sa usapin na ito. Ang mga kapitbahay natin sa Southeast Asia tulad ng Singapore at Malaysia ay may statutory annual leave entitlements na mas mataas kaysa sa kasalukuyang limang (5) araw na Service Incentive Leave sa Pilipinas.
Sa Singapore, aniya, nagsisimula sa pitong araw ang annual leave at maaaring umabot sa 14 na araw depende sa haba ng serbisyo.
Sa Malaysia naman, nagsisimula ito sa walong araw at umaabot hanggang 16 na araw, batay rin sa haba ng serbisyo.
“Kung madadagdagan natin sa sampung araw ang annual Service Incentive Leave, mabibigyan natin ang ating mga manggagawa ng karagdagang panahon para makapagpahinga, makauwi sa kanilang pamilya, at maasikaso ang mahahalagang pangangailangan nang hindi isinasakripisyo ang kanilang sweldo,” dagdag pa ng mambabatas.
Iginiit ni Abalos na dapat maipasa agad ang panukala bilang pagkilala sa malaking kontribusyon ng mga manggagawa sa ekonomiya at lipunan.
“Ang dagdag na limang araw ay hindi lamang dagdag na leave. Ito ay pagkilala sa dignidad ng ating mga manggagawa at sa kanilang pangangailangan na magkaroon ng sapat na panahon para sa kanilang sarili at kanilang mga mahal sa buhay,” ayon pa kay Abalos.
Trending
- EJ Obiena lumundag sa panibagong ginto sa Poland
- Pacquiao, flinex ang paghatid kay Queenie sa US
- Ivana Alawi nakapantulog sa karinderya tour
- Kim Chiu binantaang papatayin
- Amy Austria 6 taong nakipaglaban sa drug addiction
- Brig. Gen. Mikee. nagbitiw
- Guteza binawi pasabog vs Romualdez; Marcoleta, Defensor nilaglag
- 10 araw na service incentive leave, isinusulong
