Patay ang isang pulis at apat na iba pa ang sugatan ng pagbabarilin ng assault rifles ng isang wanted sa iba’t-ibang mga krimen at mga kasama na kanila sanang sisilbihan ng mga warrants of arrest sa isang lugar sa Barangay Lumbak sa Buadiposo Buntong sa Lanao del Sur nitong Lunes ng umaga, May 4.
Isang police corporal na kasapi ng 41st Special Action Company ng 4th Special Forces Battalion ang namatay sa mga tama ng bala na tinamo sa naturang engkwentro
Sa inisyal na ulat ng mga officials ng Lanao del Sur Provincial Police Office at ni Capt. Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, target ng naturang law-enforcement operation ang matagal ng wanted na si Sukair Diocat.
Si Diocat at ilang mga kasama, diumano sangkot din sa illegal drug trade, ay may kinakaharap na mga kasong murder at frustrated murder na nakasalang sa iba’t-ibang mga korte.
Nasa Amai Pakpak Hospital sa Marawi City na ang apat na mga sugatang mga pulis, isa sa kanilang SAF member na captain ang ranggo.  
Ang operasyong naging madugo ay pinangunahan nila Capt. Nur Basher Cayda ng Buadiposo Buntong Municipal Police Station at ni Lt. Mubarak Dimakuta, ng 41st Special Action Company ng Police 4th Special Forces Battalion.
Hindi binanggit sa inisyal na ulat ni Salanguit kung naaresto ang wanted na si Diocat.
Ayon sa mga local executives, nakatakas ang mga target ng naturang pagsilbi sana ng mga warrant of arrest ng mga operatiba ng Buadiposo Buntong police force at mga SAF commandos.

Share.