Pinangunahan ni First Lady Louise β€œLiza” Araneta-Marcos ang pamamahagi ng bigas at iba pang tulong para sa 1,000 drivers ng traditional jeepney at tricycle noong Martes, September 29, bilang bahagi ng Rice Distribution Program ng pamahalaan sa gitna ng mataas na presyo ng langis.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na ibsan ang bigat na dulot nito sa mga sektor na pinakaapektado, kabilang na ang mga tsuper.

β€œHindi biro ang trabaho ninyo. So itong ginagawa namin, konting bagay lang ito pero galing sa puso namin.” pahayag ni First Lady Marcos sa seremonya ng Rice Distribution Program sa Land Transportation Office (LTO) Central Office sa Quezon City.

Nagpasalamat naman si Transportation Secretary Banoy Lopez sa Pangulo at sa Unang Ginang para sa suporta sa sektor ng transportasyon.

β€œRamdam ng Pangulo ang paghihirap ng mga tsuper kaya lahat ng pwedeng tulong ay pinabibigay niya. Nagpapasalamat din po tayo sa Unang Ginang dahil personal siyang namahagi ng bigas at iba pang tulong sa mga jeepney at tricycle driver,” ayon kay Secretary Lopez.

Ibinahagi naman ni LTO Chief Assistant Secretary Marcus Lacanilao ang mga tulong na natanggap ng mga driver.

β€œMay bigas na ipamamahagi, may libreng check-up at gamot. Para naman sa mga magre-renew ng driver’s license, libre rin ang medical examination. At nariyan ang ating e-patrol kung saan pwede na rin kayo magrenew ng inyong mga lisensya,” ani Asec. Lacanilao.

Pinuri ni Pasang Masda National President Roberto β€œKa Obet” Martin ang programa at labis na nagpapasalamat ang kanilang mga myembro.

β€œMalaking tulong yang 10 kilo na yan. Kung ang pamilya ay lima, siguro mga limang araw yun bago maubos kaya malaking tulong po itong bigas na ito sa aming hanay,” ayon kay Ka Obet.

Isa naman sa mga driver na nakatanggap ng ayuda ay si Mary Ann.

β€œNagpapasalamat po ako kay PBBM, kay President Marcos, Jr. at kay First Lady Liza Marcos. Maraming salamat po sa blessing na pinagkaloob nyo sa amin,” ani Mary Ann.

Hangad ng gobyerno na maabot ang milyun-milyong Pilipino sa buong bansa. Bahagi ito ng rice assistance programs ng Unang Ginang na Mula sa Puso, para sa Pamilya at Bawat Bayan Makikinabang.(Rey Nillama)

Share.
Exit mobile version