Pinayagan na ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) ang mga kumpanyang rehistrado sa mga economic zone at freeport area na magpatupad ng work-from-home arrangement.

Ito ay para sa hanggang 90% ng kanilang workforce.

Ang hakbang ay tugon sa pambansang energy emergency na dulot ng krisis sa Gitnang Silangan, upang mapanatili ang operasyon ng mga negosyo kahit may kakulangan sa kuryente.

Maaaring magtakda ang mga investment promotion agencies (IPAs) ng mas mababang limitasyon (hindi bababa sa 50%), depende sa uri ng negosyo.

Ang mga lalampas sa itinakdang threshold ay papatawan ng regular income tax batay sa sobrang porsyento.

Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, layunin ng resolusyon na “mapanatili ang kompetitibong operasyon ng mga negosyo habang pinoprotektahan ang kita ng gobyerno.”

Kasabay ng work-from-home directive, pinag-aaralan din ng pamahalaan ang pagpapatupad ng online classes sa mga paaralan upang makatipid sa konsumo ng kuryente.

Ang panukala ay bahagi ng mas malawak na programa para bawasan ang power demand habang tumatagal ang energy emergency. Bagaman wala pang pinal na kautusan, inaasahang maglalabas ng guidelines ang Department of Education at CHED sa mga susunod na linggo.

Share.
Exit mobile version