Patuloy na kinikilig ang fans nina Mika Salamanca at Will Ashley matapos aminin ng Kapamilya actress-singer na nananatiling consistent ang aktor sa panliligaw sa kanya kahit tapos na ang kanilang stint sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”
Bagama’t hindi pa rin inaamin ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon, sinabi ni Mika na mas lumalim pa ang kanilang samahan at mas nakilala niya si Will sa paglipas ng panahon.
“Yung relationship namin ni Will, mas nagiging deep. Mas nakikilala ko siya kasi Will is consistent sa akin after PBB hanggang ngayon. Consistent mag-pursue, nahihiligan na,” pahayag ni Mika.
Inamin din ng aktres na kung bibigyan niya ng grado ang panunuyo ng aktor, mataas ang marka nito dahil sa pagiging consistent.
“To be honest, kung may scoring, high score kasi sobrang close namin ngayon. He has been consistent in pursuing me,” dagdag niya.
Bukod sa kanilang personal na closeness, umaasa rin si Mika na muli silang mabibigyan ng pagkakataong magsama sa isang proyekto matapos ang una nilang acting collaboration sa “The Secrets of Hotel 88.”
“Ako kasi even before PBB, pangarap ko makatrabaho siya. Hinahangaan ko siya kasi magaling siya na actor,” aniya.
Nauna nang ibinahagi ni Will na mas naging matatag ang pundasyon ng kanilang samahan habang magkasama sila sa lock-in taping ng serye.
“We are good po. Enjoy namin company ng isa’t isa. Sobrang naging close kami, lalo na ng nag lock in sa ‘Hotel 88.’ Kaya na-build namin strong foundation sa kung ano man relationship namin,” pahayag ni Will.
Hindi rin isinara ng award-winning actor ang posibilidad na mas lumalim pa ang kanilang ugnayan sa hinaharap.
“Si Mika very focused siya sa work and craft niya. So gusto ko siya maka-work. Hindi ko masabi pero hindi ako nag-close ng doors,” saad pa ni Will.
Trending
- Pilipinas mag-ho-host ng Senior Aerobic Gymnastics Asian Championships
- Boss Toyo kinuyog nang kuwestiyunin ang dokumentaryo ni Kara David
- Will Ashley nakatanggap ng ‘high score’ sa panliligaw kay Mika Salamanca
- Kuya Jobert binatikos ang promo ni Ivana Alawi sa online sugal
- 4 katao arestado sa higit P1m pekeng fertilizer
- Ex-BIFF member na sangkot sa SAF 44 incident, pananambang sa Shariff Aguak arestado
- ‘Tulay ng Pangulo’ sa Zambo , gumuho: Dump truck nahulog sa ilog
- 21 impormante ng PNP tumanggap ng P9.2m reward
