Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga boluntaryong tutulong sa pagre-repack ng food packs sa kanilang disaster resource centers sa Pasay City at Mandaue City, Cebu.
Bukas ang mga center mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado
Hinihikayat ang mga volunteer na maglaan ng hindi bababa sa apat na oras para sa serbisyo at magsuot ng angkop na damit, lalo na ng mga closed shoes upang maiwasan ang mga aksidente.
Ayon sa DSWD, umabot na sa mahigit 2.3 milyong food packs ang naipamahagi sa mga komunidad na naapektuhan ng mga pag-ulan hanggang noong Agosto 30.
====
