BULACAN NGAYON — Isang babaeng suspek na nahaharap sa maraming kasong kriminal ang naaresto sa manhunt operation ng Bulacan police noong Agosto 23, 2025.
Nadakip ang isang 41-taong gulang na negosyante, residente ng Brgy. Sto. Niño, Lungsod ng Baliwag, bandang 11:30 ng umaga sa Brgy. Piel, Lungsod ng Baliwag, Bulacan.
Naisakatuparan sa bisa ng labintatlong (13) Warrant of Arrest para sa mga kasong Estafa at Other Deceits (Panlilinlang).
Kabilang ditto ang isang (1) Warrant na inisyu ni Kgg. Ginalyn Rosal Rubio, Hukom ng RTC Branch 28, Bayombong, Nueva Vizcaya, para sa kasong Estafa na may inirekomendang piyansa na P18,000.00;
Dalawang (2) Warrant na inisyu ni Kgg. Ludovino Joseph Augusto Lacsamana Tobias Jr., Hukom ng MCTC Orion-Pilar, Bataan, may petsang Mayo 20 at 21, 2025, na may piyansa na P3,000.00 bawat isa;
Gayundin ang sampung (10) Warrant na inisyu ni Kgg. Grace Victoria Ruiz, Hukom ng RTC Branch 22, Malolos City, para sa kasong Estafa na may kabuuang piyansa na P462,000.00.
Ayon kay PCol Angel L Garcillano, Provincial Director , mananatiling determinado ang kapulisan na tugisin ang mga wanted na indibidwal.

Share.