Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na walang ipatutupad na pagbabawal sa pag-aangkat ng bigas, bilang paghahanda sa posibleng epekto ng matinding El Niño sa huling bahagi ng taon.
“There will be no import ban definitely because as I mentioned earlier there is a big El Niño coming towards November, December,” ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Martes.
Umabot na aniya sa 3.3 milyong metriko tonelada ang rice imports hanggang noong Lunes, Agosto 3, ngunit kailangan pa rin umanong palakasin ang suplay ng bigas bago ang inaasahang tagtuyot sa 2027.
Tiniyak naman ng DA na poprotektahan ang mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng National Food Authority (NFA) ng hanggang 500,000 tonelada ng palay.
May nakalaan umanong P20 bilyong pondo ang NFA para sa pagbili ng palay ngayong taon, kung saan bibilhin ito sa presyong P21 kada kilo para sa basang palay at P25 hanggang P27 kada kilo para sa tuyong palay.
Trending
- WTA rankings ni Alex Eala umangat sa No. 20
- Alas Pilipinas Women giba sa Indonesia, winless sa SEA V Cup Leg 1
- Yassi binigyan ng bf ng engagement ring, lupa’t cash
- Mariel, naglunsad ng ‘Protect Sen. Robin Padilla Movement’!
- Yayo, hiwalay na sa dyowa
- Planetarium , telescope viewing ilulunsad ng PAGASA
- Reklamo vs bagong DOH chief, aaksyunan
- Jinggoy humirit sa Sandiganbayan
