Hindi na bukas sa peace talks ang pamahalaan kasama ang mga miyembro ng New People’s Army, ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Sabado, Mayo 23.
Ang pahayag na ito ni Teodoro ay kasundo ng meeting kasama si Eugenio Jose Lacson at Mercedes Alvarez sa Provincial Capitol sa Bacolod City.
“Ang aming pwedeng gawin talaga ay masugpo ‘yung armado. Pero over and above that, ang ating mga sundalo ay tinatanggap ang mga returning rebels katulong ng local government,” sinabi ni Teodoro.
Noong Abril ay 19 indibidwal ang nasawi sa inilarawan ng mga militar bilang engkwentro sa mga miyembro ng NPA sa Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental.
Sa kabila nito, sinabi ng rights group na ang insidente noong Abril 19 ay isang masaker sa halip na armed encounter, kung saan nasawi ang ilang sibilyan kabilang ang mga estudyante, magsasaka at mamamahayag.
Matatandaan na noong 2023 ay pumayag ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibalik ang peace negotiations kasama ang National Democratic Front of the Philippines.
Pumirma ang dalawang panig nga joint communiqué na layong maabot ang “peace, reconciliation, and unity.”
Bago pa nito, noong 2017, ay tinapos ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang peace negotiations sa pamamagitan ng presidential proclamation.

Share.
Exit mobile version