Nanatiling mas mataas ang approval at trust ratings ni Vice President Sara Duterte kumpara kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa pinakabagong Pulse Asia Ulat ng Bayan Survey na isinagawa mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 3 at 6, 2026.
Batay sa survey, 56% ng mga Pilipino ang nagsabing aprubado nila ang naging pagganap ni Duterte bilang bise presidente. Samantala, 29% ang nagpahayag ng hindi pag-apruba, habang 15% ang nanatiling undecided.
Sa kabilang banda, 29% lamang ang nagbigay ng approval rating kay Pangulong Marcos. Mas mataas ang 50% na nagsabing hindi sila aprubado sa kanyang naging pagganap, habang 21% ang hindi pa makapagpasya.
Sa usapin naman ng tiwala ng publiko, nakakuha si Duterte ng 58% trust rating, habang 27% ang nagsabing wala silang tiwala sa kanya habang 16% ang undecided.
Samantala, si Pangulong Marcos ay nagtala ng 28% trust rating, habang 51% ang nagpahayag ng distrust at 21% ang nanatiling hindi makapagpasya.
Ayon pa sa Pulse Asia, nanatiling halos hindi nagbago ang performance at trust ratings ni Vice President Duterte kumpara sa resulta ng survey noong Marso 2026.
Sa kabilang banda, kapansin-pansin naman ang pagbaba ng approval at trust ratings ni Pangulong Marcos ng pitong percentage points, kasabay ng pagtaas ng kanyang disapproval at distrust ratings sa parehong panahon.
=====
Trending
- Pilipinas mag-ho-host ng Senior Aerobic Gymnastics Asian Championships
- Boss Toyo kinuyog nang kuwestiyunin ang dokumentaryo ni Kara David
- Will Ashley nakatanggap ng ‘high score’ sa panliligaw kay Mika Salamanca
- Kuya Jobert binatikos ang promo ni Ivana Alawi sa online sugal
- 4 katao arestado sa higit P1m pekeng fertilizer
- Ex-BIFF member na sangkot sa SAF 44 incident, pananambang sa Shariff Aguak arestado
- ‘Tulay ng Pangulo’ sa Zambo , gumuho: Dump truck nahulog sa ilog
- 21 impormante ng PNP tumanggap ng P9.2m reward
