Nagbigay-pugay si Vice President Sara Duterte sa lahat ng ina at mga tumatayong ina sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day nitong Linggo, Mayo 10.
Sa kanyang mensahe, kinilala ng Bise Presidente ang sakripisyo, pagmamahal, at katatagan ng mga ina sa pag-aaruga sa kanilang pamilya at pagpapalaki ng mga anak.
“Bilang isang ina, alam ko ang bigat at saya ng ating tungkulin—the silent prayers we offer for our children, the long hours we spend ensuring they are safe, and the constant effort it takes to balance work and family,” ani Duterte.
“To nurture a child and lead a household is one of the most challenging roles any woman can take. But it is also the most rewarding,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin din niya na ang mga ina ang nagsisilbing unang guro ng mga anak at matibay na pundasyon ng bawat pamilyang Pilipino.
Nagbigay rin siya ng espesyal na mensahe para sa mga overseas Filipino worker (OFW) mother na malayo sa kanilang pamilya upang maghanapbuhay.
“To our OFW mothers, we know that sacrifice is not always about physical presence—sometimes, the greatest sacrifice is the distance you endure to provide for your family. Salamat sa inyong katatagan,” ani Duterte.
“Sa lahat ng mga nanay na nagmamahal at nag-aaruga sa amin, maraming salamat sa inyo. Maligayang Araw ng mga Ina!” pagtatapos niya.
Trending
- Pamilya ni Carlos Yulo, may bagong bahay
- Detroit, hawak na ang bentaheng 2-0 kontra Cavaliers
- Liza Soberano abot ang kasikatan hanggang Japan
- Alvin Aragon umapela sa Senado
- Ryzza Mae niregaluhan sarili ng bagong sasakyan
- P60B excess funds naibalik na sa PhilHealth
- P60B excess funds naibalik na sa PhilHealth
- Private Senior High Schools, kailangan na maka-secure ng gov’t recognition
