Naniniwala ang isa sa 11 House prosecutors na si Manila Rep. Joel Chua na kaya ipinapa-dismiss ni Vice President Sara Duterte ang Articles of Impeachment laban sa kanya upang maiwasan na siya ay mapusoy.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng hinaing manifestation ng House prosecutors sa impeachment court dahil walang sagot si Duterte sa apat na Articles of Impeachment at sa halip ay ipinapa-dismiss niya ito.
“It seems the strategy of the defense is to avoid the negative optics of a full-blown trial,” pahayag ni Chua.
Sinabi ng mambabatas na alam ng depensa lalo na si Duterte na kapag nagkaroon ng full-blown trial ay lalabas ang mga lihim nito na makakasama sa kanya sa paningin ng sambayanang Pilipino.
Armado aniya ang Prosecution Team ng matitibay na ebidensya at witnesses na magdidiin kay Duterte kaya ito marahil ang iniiwasan ng pangalawang pangulo at ng kanyang defense team dahil negatibo ito sa kanila.
Dahil dito, hindi na sinagot ng pangalawang pangulo ang apat na Articles of Impeachment na kinabibilangan ng unexplained wealth, paglustay sa confidential funds, panunuhol at pagbabanta sa buhay ng pangulo at nais nito na diretsong ibasura na lamang ang kaso.
Gayunpaman, sinabi ni Chua na hindi ito pinapayagan ng Konstitusyon dahil puwedeng i-dismiss ang mga Articles of Impeachment na walang paglilitis.
“The Constitution says the Impeachment Court can either convict or acquit. There is no dismiss option because the Articles of Impeachment have more than the two-thirds vote of the House of Representatives. There is no dismiss option to override the Articles of Impeachment,” ayon sa mambabatas.
Umaasa ang mambabatas na hindi made-delay ang paglilitis kay Duterte ay mabigyan ng pagkakataon ang prosecution team na ilatag ang kanilang ebidensya at iharap ang kanilang mga witness sa Impeachment Court.

Share.
Exit mobile version