Hindi initsapuwera si Vice President Sara Duterte sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 27.
Ito ang lumalabas matapos kumpirmahin ni House Secretary General Cheloy Garafil sa Abante na pinaldan ng mga ito ng imbitasyon ang pangalawang pangulo para SONA ng pangulo.
“Yes,” ang maiksing sagot ni Garafil nang tanungin kung pinadalhan ng mga ito ng imbitasyon si Duterte.
Gayunpaman, walang ideya si Garafil kung dadalo o hindi si Duterte sa nasabing okasyon.
Huling dumalo si Duterte sa ikalawang SONA ni Marcos noong 2023 subalit noong 2024 ikatlong SONA ng pangulo ay hindi na ito dumalo matapos itong humiwalay sa gabinete sa gitna ng imbestigasyon ng Kamara sa kontrobersyal na confidential funds.
Sa panahong ito, sinabi ni Duterte na itinalaga niya ang kanyang sarili bilang “designated survivor”.
Muling ini-snub ng pangalawang pangulo ang ikaapat na SONA ni Marcos noong 2025 bagama’t pinadalhan pa rin ito ng imbitasyon at nilaananan ng silya sa gallery ng session hall sa Mababang Kapulungan kung saan ginagawa ang pag-uulat ng pangulo sa bayan.

Share.
Exit mobile version