tesssssstt

INANUNSYO ng Office of the Vice President (OVP) na walang pondo ang kanilang medical and burial assistance program sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).

Sinabi ng OVP, na pinangungunahan ni Vice President Sara Duterte, na walang inaprubahang pondo para sa mga naturang programa.

“We apologize for the inconvenience,” dagdag pa ng OVP.

Ang 2025 GAA ay may P6.352 trilyong pondo para sa mga ahensya ng gobyerno na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Disyembre 30, 2024.

 

Share.