Usap-usapan sa social media ang umano’y pag-prank ng vlogger sa isang matandang pump attendant sa isang gasolinahan kamakailan.
Batay sa kumakalat na video online, mapapanood ang paghabol ng isang matandang nakasuot ng white na t-shirt sa sasakyan ng umano’y isang vlogger. Maririnig din sa nasabing video ang pagtawa ng vlogger habang hinahabol sila ng matanda sa ilalim ng tirik ng araw.
Ayon sa netizens, tila nahati na rin daw ang naratibo ng naturang content. May ilang nagsasabi na kakilala umano ng vlogger ang matanda at scripted lang ang kumakalat na video.
May ilang bersyon ding nagsasabing pagmamay-ari umano ng vlogger ang gasolinahan at niloloko lamang ang matandang pump attendant.
Sa kabila nito, maraming netizens ang nananawagang dapat mapanagot ang driver at vlogger ng sasakyang nagpahabol sa naturang matandang pump attendant.
“LTO ano na?! Tanggalan na ng lisensya ‘yan!”
“May mai-prank lang kahit hindi na makatao!”
“WTF na prank lang yan tapos ginawang katatawanan si tatay.”
“Paano kung sa tatay o lolo mo ‘yan mangyari?”
“Naaka animal nung vlogger na ‘yan!”
“DILG, LTO ano na?”
“Paano kung inatake si tatay!”
“Gag* amp*ta, dapat matanggal ng lisensya ‘yan!”
“Tawa ka now, iiyak ka rin later.”
“Ikaw dapat mauna sa death penalty.”
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang lumulutang na pagkakakilanlan ng naturang vlogger na nahagip sa video. Hindi pa rin tukoy ang matandang sinasabing na-prank ng vlogger.

Share.
Exit mobile version