Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) ang three-month extension ng validity o bisa para sa mga dokumentong nakatakdang mag-expire simula Abril 2026.
Batay sa anunsyo ng LTO nitong Huwebes, Abril 16, kabilang sa extension ang mga sumusunod na lisensya at registration documents:
– Driver’s at Conductor’s Licenses
– Student-Driver’s Permits
– Motor Vehicle Registration
Sa extended period ding ito, walang surcharges, penalties, o multa, ang ipapataw para sa late renewal.
Saad pa ng LTO, layon ng aksyong ito mapagaan ang bigat ng mga sunod-sunod na pagtataas ng presyo sa langis at iba pang bilihin para sa mga motorista, bunsod ng kinahaharap na krisis ng bansa.
Matatandaang ibinaba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., state of national emergency sa bansa noong Marso kasunod ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga
