Umabot sa P18.55 trilyon ang kabuuang utang ng pamahalaan noong Mayo, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Mas mataas ito ng 0.41% kumpara sa P18.47 trilyon noong Abril.
Ayon sa BTr, tumaas ang utang dahil mas maraming hiniram ang pamahalaan sa loob ng bansa upang matustusan ang pangangailangan sa pondo, sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.
Gayunman, nabawasan ang pagtaas ng utang dahil lumakas ang piso laban sa US dollar at iba pang foreign currencies.
Tumaas ng 0.65% ang domestic debt sa P12.5 trilyon, habang bahagyang bumaba ng 0.07% ang foreign debt sa P6.05 trilyon.
Trending
- Gilas 3×3 prospects Diouf, Means ganap ng Pinoy
- EJ Obiena sumungkit ng magkasunod na ginto
- Ate Gay nakarekober na
- Ian de Leon, Matet de Leon nagkaayos na
- Herlene, minura isang governor
- Titser pinasabog ang bungo habang nakatayo sa gilid ng highway
- Plunder vs Marcoleta isinampa na
- Agarang aksyon laban sa child stunting
