MULING nagpakita ng kanilang mahusay na pagganap sa national board examinations
ang University of Caloocan City (UCC) nang ang College of Criminology ay gumawa ng 75 passers sa 2026 Criminology Licensure Examination na may 82.42 percent overall passing rate
Nakamit din ng UCC ang isang 86.90 porsiyentong rate para sa mga first-time na kumukuha, na mas mataas din sa National Average na 66 porsiyento.
Binati ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga bagong Registered Criminologists at hinikayat silang gamitin ang kanilang kaalaman para makapag-ambag sa pagpapabuti ng kaligtasan ng publiko, lalo na sa Caloocan.
“Sa ating bagong criminologists, nawa’y makatulong namin kayo sa pamahalaang lungsod sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating lungsod,” pahayag niya.
“Sa bawat achievement ng mga estudyante ng UCC, dala-dala ninyo ang pangalan ng buong Lungsod ng Caloocan kaya naman ipinagmamalaki namin kayong lahat at tiwala kami na magtatagumpay kayo sa inyong mga napiling larangan,” dagdag ni Mayor Along.(Roger Panizal)
Trending
- JAPAN, EUROPE VERSUS IRAN : The Battle of Hormuz
- UCC ANGAT CRIMINOLOGY LICENSURE EXAM
- PISO BAGSAK KONTRA DOLYAR: P60.10 PER DOLLAR
- Buwitreng oil cartel buwisan
- US TROOPS DUMAGSA SA PILIPINAS
- Toll fees sa expressway pinatatapyasan
- Toll fees sa expressway pinatatapyasan
- Jose Manalo, humirit ng dagdag-sweldo matapos mahulog noon sa kanal
