Opisyal nang binuksan ang UAAP Season 89 sa isang sold-out Kickoff Show sa SM Mall of Asia Arena nitong Sabado ng gabi, Setyembre 13.

Pinangunahan ni Vice Ganda ang pagbubukas ng bagong season bilang kinatawan ng kanyang alma mater na Far Eastern University (FEU).

“I am Vice Ganda, a proud Tamaraw. Isang dating pangkaraniwan na estudyante na humarap sa maraming hamon sa buhay—hamon ng kahirapan, hamon ng diskriminasyon, at isama na natin ang hamon sa mga snatcher sa kahabaan ng Recto noon,” sabi ni Vice.

Mayroon din siyang hamon sa mga kabataan sa gitna ng mga pagsubok na nararanasan ng bansa.

“It is very important to exist in an environment that allows us to win. Kaya naman ang hamon ko sa inyo, ipanalo ninyo ang lipunang magbibigay sa inyo ng disenteng pamumuhay at kalayaang magtagumpay at mangyayari lang ‘yon ‘pag naipanalo ninyo ang mga lider na hindi kayo nanakawan at gagawin kayong bobo at ilulubog ang inyong dangal at pag-asa sa baha.”

“Kaya naman Gen Zs, I challenge you to fight, show up, and win no matter what,” dagdag niya.

Kasama rin sa star-studded Kickoff Show sina Gloc-9, Babydolls, Kyle Echarri, Maki, Darren Espanto at BINI Mikha at Maloi.

Samantala, magsisimula na ngayong Linggo ang men’s basketball tournament ng UAAP Season 89 kung saan maghaharap ang FEU at Adamson University sa Araneta Coliseum.
====

Share.
Exit mobile version