Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Senador Erwin Tulfo sa patuloy na paggamit ng sistemang “endo” sa hanay ng paggawa na hindi nagbibigay proteksiyon sa kanilang kagalingan at nagpapalala sa kawalan ng job security.
Sa pahayag, sinabi ni Tulfo sa ginanap na hearing ng Senate committee on labor, employment and human resources, na lubhang nakakaalarma ang malawakang paggamit ng “endo” scheme na nagpapabuway sa job security at nagpapabagsak sa dignidad ng milyong manggagawa.
Binanggit din ni Tulfo ang patuloy na pang-aabuso sa contractualization at kawalan ng proteksiyon sa manggagawang Filipino sa informal sector.
Aniya, malinaw na nakatakda sa Saligang Batas na may karapatan ang lahat ng manggagawa partikular sa right to security of tenure at humane working conditions.
“Despite this, the issue of endo or the widespread end-of-contract scheme in our country, remains a major crisis,” ani Tulfo.
Ginamit din ni Tulfo ang ilang remarks ng mga legal experts at labor advocates, hinggil sa contractualization at endo scheme na kailangan nang baguhin na nagpapabagsak sa dignidad ng manggagawa.
“It is unjust that after several months of hard work, workers are left jobless simply so companies can avoid providing proper benefits and regularization,” sinabi pa ng senador.
“Alongside the fight for job security in the formal sector, we must also advocate for workers in the informal sector,” dagdag niya.
Trending
- 2 kelot nanugod na may kasamang pagbabanta sa isang bahay
- 2 sales agent hinoldap na, pinatay pa
- 12 katao, patay sa dengue sa Quezon City
- DOJ: Leviste, iba pa inireklamo ng DOE
- NBI dumepensa sa pekeng “marked money”
- NBI, mag-a-apply ng cyber warrant
- Larawan ng 4 ‘bigtime’ most wanted sa Bulacan
- ‘Killer’ ng 14 sundalo, arestado sa Quirino
