Magsisimula na umano ang administrasyon ni United States President Donald Trump ng kampanya upang buwagin ang umano’y banta ng International Criminal Court (ICC) sa soberanya ng Estados Unidos.
Ito ang inanunsiyo ni US Secretary of State Marco Rubio kasabay ng pahayag ng US State Department na magsasagawa ito ng “whole-of-government response” upang pahinain ang operasyon ng tribunal.
Binigyang-diin ni Rubio na hindi umano papayagan ng administrasyon na usigin ng ICC ang mga opisyal at tauhan ng Amerika.
Kabilang sa mga pinag-aaralang hakbang ang mga travel ban, visa revocation, mas mahigpit na sanction laban sa mga opisyal at kaalyado ng ICC, at paghimok sa ibang bansa na umatras sa korte.
Matagal nang tinututulan ni Trump ang ICC, lalo na matapos itong maglabas ng arrest warrant laban sa kanyang kaalyadong si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Share.
Exit mobile version