Ibinahagi ni US President Donald Trump ang disenyo ng bagong limited-edition US passport na inilabas bilang bahagi ng paggunita sa ika-250 anibersaryo ng kalayaan ng Estados Unidos.
“The U.S.A.’s New Passport, which says, ‘Welcome, but be good!’” ani Trump sa isang post sa Truth Social.
Makikita sa mock-up ang larawan ni Trump na nakasandal sa mesa at may pirma nito, habang nasa likuran ang teksto ng Declaration of Independence.
Sa kabilang pahina naman ay tampok ang eksena ng paglagda sa deklarasyon noong 1776, kasama ang “United States of America 250”.
Nauna nang sinabi ng State Department na magiging available ang limited-edition passport simula Hulyo 6 sa pamamagitan ng in-person appointments sa Washington, hangga’t may suplay pa.

Share.
Exit mobile version