Nagbahagi ng mga larawan ng hinihinalang gunman si US President Donald Trump kasunod ng insidente ng pamamaril sa ginanap na White House Correspondents’ Association Dinner nitong Sabado (oras sa Estados Unidos).
Makikita ang mga larawan ng suspek habang siya’y nakadapa at nakaposas sa Truth Social account ni Trump.
Ayon sa mga awtoridad, armado ng shotgun ang lalaki at sinubukang makalusot sa seguridad ng venue.
Nagpaputok ito at tinamaan ang isang agent ng Secret Service ngunit hindi nasugatan dahil sa suot nitong protective gear.
Sa kabila ng tensiyon, tiniyak ng mga opisyal na ligtas ang US president at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno.
Agad ding naaresto ang suspek matapos ang insidente.
Matapos ang pangyayari, nagtuloy si Trump sa pagharap sa media sa isang press conference sa White House, kung saan pinasalamatan niya ang mabilis na aksiyon ng mga awtoridad.

Share.
Exit mobile version