Nagbanta si United States President Donald Trump na muling aatake ang US laban sa Iran kung hindi nito mapipigilan ang mga kaalyadong grupo nito sa Lebanon, kahit nagpapatuloy ang peace talks sa pagitan ng dalawang bansa sa Switzerland.
Nagkaroon umano ng unang pulong sa ilalim ng pansamantalang kasunduang pangkapayapaan sina US Vice President JD Vance at mga opisyal ng Iran sa Buergenstock.
Layunin ng kasunduan na palawigin ang tigil-putukan at muling buksan ang mahalagang rutang pandagat na Strait of Hormuz
Gayunman, muling isinara ng Iran ang Strait of Hormuz matapos nitong akusahan ang US na hindi natupad ang pangakong mapatigil ang labanan sa Lebanon at dahil dito, muling tumaas ang tensyon sa rehiyon.
Sa isang social media post, sinabi ni Trump na dapat agad pigilan ng Iran ang mga kaalyado nitong grupo sa Lebanon, kabilang ang Hezbollah.
“Iran must immediately stop their highly paid PROXIES in Lebanon from causing trouble,” ani Trump. “If they don’t, we’ll hit Iran very hard again, just like we did last week, only harder!!!”
Sa kabila ng pahayag ni Trump, sinabi ni Vance na nais ng administrasyon ng US na magkaroon ng panibagong simula sa relasyon nito sa mamamayan ng Iran, at Aniya, may progreso na rin sa mga usapin kaugnay ng Lebanon.
Trending
- Mag-utol na Yulo nag-uwi ng gold, bronze medal sa Asian Championships
- EALA BIGO KAY MERTENS; SEEDED NO. 29 SA WIMBLEDON
- Taiwan trip ng KimPau, bukelya
- Cacai, naloka sa P94+k bill ng kuryente!
- JLC at Ellen, may ‘balikang’ magaganap
- Malakihang rollback sa presyo ng petrolyo
- Bagyong Francisco, lumakas pa
- Pre-trial sa impeachment ni VP Sara umusad na
