Tila nagpahiwatig si US President Donald Trump na palalawigin ng 24 pang oras ang kanyang deadline sa Iran para makipagkasundo na buksan ang Strait of Hormuz o haharapin nito ang matitinding pag-atake.
“Tuesday, 8:00 P.M. Eastern Time!” sinabi ni Trump sa kanyang Truth Social platform.
Sa bagong deadline, nangangahulugan ito na mayroon pang isang araw sa Tehran na makipagkasundo kay Trump o haharapin nito ang banta na sirain ang mga power plant at tulay sa bansa.
Matatandaan na matagumpay na naharang ng Iran ang Strait of Hormuz na mahalagang daanan ng mga langis sa mundo nang magsimula ang pambobomba ng US at Israel noong Pebrero 28.
“We are in a position that’s very strong, and that country will take 20 years to rebuild, if they’re lucky, if they have a country,” ayon kay Trump nitong Linggo.
“And if they don’t do something by Tuesday evening, they won’t have any power plants and they won’t have any bridges standing.”
Sa panayam naman ng Fox News, sinabi ni Trump na mayroong “good chance” na makikipagkasundo ang Iran ngayong Lunes.
“I think there is a good chance tomorrow, they are negotiating now,” ayon sa Pangulo.
“If they don’t make a deal and fast, I’m considering blowing everything up and taking over the oil,” dagdag pa.
Sa kaparehong panayam, sinabi ni Trump na binigyan niya ng “immunity from death” ang Iranian negotiators.
“The big thing is they’re not going to have a nuclear weapon. They’re not even negotiating that point, it’s so easy.”
“That’s already been conceded. Most of the points are conceded.”
======
Trending
- 45-DAY CEASEFIRE : HORMUZ BUBUKSAN
- Heat index matinding matindi sa 2 lugar
- 30 points ni LeBron nasayang vs Mavs
- Mark Magsayo wagi via TKO kontra Irish foe
- Mark at Nicole, magdyowa pa rin
- Maine at Arjo, ‘di hiwalay
- Bea Alonzo nagdadalang tao kaya minadali ang pagpapakasal?
- OVP, nagpatupad ng flexible work setup sa gitna ng fuel crisis

