Tiniyak ni US President Donald Trump kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipaparating niya ang mga alalahanin ng Pilipinas sa isyu sa West Philippine Sea sa kanyang susunod na pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.
Ang Pangulo at si President Trump ay nagkausap sa telepono nitong Huwebes ng gabi at pinag-usapan ng mga ito ang mga pandaigdigang isyu, ekonomiya at sitwasyong panseguridad, kabilang na ang mga bagong kaganapan sa South China Sea.
Ang pag-uusap ng dalawang lider ay matapos ang pulong at pagkikita ng Pangulo at US State Secretary Marco Rubio noong Miyerkules sa Malacañang.
Sa ginanap na pulong ay nagbigay ng update si Pangulong Marcos Jr. kay Rubio sa mga nagaganap na karahasan sa South China Sea, partikular ang pananakit ng mga tauhan ng China Coast Guard sa dalawang miyembro ng Philippine Navy.
Ang Amerika ay matagal ng kaalyado ng Pilipinas at mayroong matatag na relasyon at partnership sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa Indo-Pacific, kalakalan, kooperasyon sa negosyo at pagtugon sa mga kalamidad.
====
Trending
- Weljon Mindoro haharapin ang Mexicano sa California
- PH lalahok sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships
- Maxene, tinawag na Pambansang Balakang
- Vice, pinalakpakan sa UP graduation
- Mariel, in-unfollow sina Anne, Pokwang, Angelica, at Papa P
- Imbes na umangat, bumaba pa ang tubig sa Angat Dam
- Ilog sa Antipolo, ‘bumula’
- Meyor , umamin nag-counterflow at sumalpok sa van
