Inalarma ng Land Transportation Office (LTO) ang isang Hino truck na nag-viral sa social media nang makuhanan ng video na ipinamaneho ito ng isang bata.
Inisyuhan ng LTO ng show cause order ang rehistradong may-ari at nakatalagang driver ng truck, na inatasang humarap sa Intelligence and Investigation Division sa Abril 13.
Pinagpapaliwanag sila kung bakit hindi dapat managot ang driver sa mga kasong reckless driving, children in rear seats, at kung bakit hindi dapat suspendihin o tuluyang bawiin ang kanyang lisensya sa pagiging improper person to operate a motor vehicle.
Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, isinailalim ang lisensya ng driver sa 90-araw na preventive suspension at inatasang agad itong isuko sa ahensya.
Paalala ng LTO, ang hindi pagharap ng may-ari at driver, itinuturing na pagpayag na ituloy ang proseso, at ang desisyon sa kaso ay gagawin base sa mga ebidensyang nakalap.
Trending
- WTA rankings ni Alex Eala umangat sa No. 20
- Alas Pilipinas Women giba sa Indonesia, winless sa SEA V Cup Leg 1
- Yassi binigyan ng bf ng engagement ring, lupa’t cash
- Mariel, naglunsad ng ‘Protect Sen. Robin Padilla Movement’!
- Yayo, hiwalay na sa dyowa
- Planetarium , telescope viewing ilulunsad ng PAGASA
- Reklamo vs bagong DOH chief, aaksyunan
- Jinggoy humirit sa Sandiganbayan
